HOME

“I’m going home, to place where I belong…”

There’s really no place like home. I will never get tired of traveling for two hours even though I feel like vomiting every time while on the bus because what’s important is the feeling when you’ll finally arrived. I don’t care losing Php 126.00 because when I’m home, I feel safe, comfortable, satisfied and free.

When I’m home I will never worry what to eat because everything you need will be served, I will not going to wash my clothes because there’s mom to do it for me. I missed my life being with my parents, yung tipong pinagsisilbihan ka, yung wala kang excuse na hindi  mag-aral haha naaalala ko tuloy yung sinabi ni mama na wala daw akong karapatang bumagsak dahil ginagawa nila lahat, na tama naman buti na lang at wala pa akong bagsak at sana hindi magkaroon.

Kung tatanungin niyo ako kung nagsisisi akong lumayo ? sa totoo lang hindi although minsan sinasabi ko na hindi ko na kayang mag-isa na sana dun na lang ako nag-aral kasi kahit papano nagbago na ako, I can say that I’ve matured a little compared noon. Kasi naman naglilinis na ako (ng walang nag-uutos sa akin) at nagagawan ko ng maglaba twice a week pa ha akalain mo yun maliit na bagay kung maituturing per kung iisipin achivements ko nay un.

Kaya nga lang honestly, hanggang ngayon hindi pa ako marunong magluto kasi naman may tagaluto kame yung isang kasama ko kasi sa apartment alam magluto. Bukod sa kanin, mga pritong pagkain na palaging sunog at instant noodles wala na akong alam lutuin. Parang hindi kasi para sa akin ang pagluluto although mahilig akong manood ng mga cooking shows, naka-akit kasi yung mga pagkain at ingredients na nilalagay nila tapos nakakamangha pa. Siguro nga hindi ko linya ang pagluluto pero no one knows maybe after a month or maybe pagkatapos mong basahin ito magaling na ako.

Sa totoo lang enjoy din tumira sa apartment, apat kaming nakatira hindi naman sila complete strangers sa akin kasi yung isa matagal ko na ring kaibigan (since highschool pa) tapos hindi naman sila mahirap pakisamahan para ngang first week pa lang naming eh close na kame. Para tuloy akong nagkaroon ng instant na tatlong kapatid na hindi ko kadugo, ganito pala mamuhay ang may kapatid, kailangan mong intindihan ang mga differences niyo bawat isa, kailangan mong magtimpi sa kanila, kailangan mo silang alalahanin yung para bang sagot mo sila, tapos sobrang ingay pero masaya. Hindi kasi ako nagkaroon ng kapatid, only child eh.

Alamo kong kaakibat ng pamumuhay ko na wala sa puder ng aking mga magulang ang responsibilidad. Mula nung lumipat ako, responsibilidan ko na ang sarili ko, responsibilidad ko nang alagaan at pahalagahan ang sarili ko. Mahirap pero kakayanin. Nakaka-miss man sila mama at papa, pati na rin ang bahay namin, I am making sure naman na kapag umuwi ako talagang sinusulit ko.

 

 

Categories: Uncategorized | Leave a comment

REALIZATION

#ThrowackFeelings

What it feels like being a college student. . .

It’s official! College na ako, naka-enroll na ako eh although  hindi pa nag-start ang classes I can feel it already, the pressure, the excitement, the fright and other emotions mixed up inside me.

Totoo nga yung sabi ng karamihan na mahirap pumili ng course, kasi yun na yung career mo in the future. At isa pa sa nagpapahirap sa pagdedesisyon is that you need to consider many things. Pero para sa akin, you just need to consider these things kasi pag napakarami mong kino-consider mas lalo kang maguguluhan at baka makagawa ka pa ng maling desisiyon. First, you need to consider your financial capability, second is kung ano yung lucrative job and lastly,  yung talagang passion mo at gusto mo, hindi yung passion ng kaibigan mo. Minsan sabi pa ng iba na kailangan mo rin daw i-consider yung kaya mo o yung kaya ng utak mo, pero don’t mind those people because they’re just bringing you down kasi naniniwala akong pag passion mo talaga at pursigido ka naman, ay makakaya mo kasi yun yung gusto mo. Patunayan mo sa kanila that you can accomplish what others think you can’t.

Mas pinili kong malayo at mahiwalay sa mga kaibigan at mahal ko sa buhay at mag-aral sa medyo malayong lugar hindi dahil sa nagsasawa na ako sa mga pagmumukha nila o  dahil I am rebelling kundi gusto ko ng pagbabago. New place, new environment at new people, parang turning the page of the book to the next. Yung hindi ka lang na-stock sa kung nasan ka  o sa sitwasyon o set-up ng buhay mo ngayon yung dun lang sa page na yun because sometimes moving forward is the best choice, to deal with new set of adventures and to see what’s more to the book, to see what’s more in life, kung paano yung buhay na wala sa tabi ko sina mama at papa at paano mabuhay at mag-survive mag-isa. I took a big risk to be independent and to be a better version of myself kaya naman I am hoping that I made the right decision.

Hindi ko maikakaila na may konti pa akong pag-aalinlangan at sa loob-loob ko ay takot akong lumayo pero whenever I’m confused and scared, lagi ko lang inaalala yung nasa wish list ko,  yung mga pangarap ko sa buhay and it really works kasi nagiging confident ako at I feel much better.

Few weeks from now, back to normal na ang lahat goodbye hayahay na buhay, hello stress and welcome challenges. Walang kasiguraduhan kung ano ang mga maaaring mangyari during my college life o kung anong naghihintay sa akin doon pero alam ko sa sarili kong I am all fired up not only to brave the heat in Tuguegarao but also everythings that may come on my way in achieving the future that I wanted. Be ready college, I am coming!

Categories: Uncategorized | Leave a comment

SEMBREAK SENTI

IMG_6301

Iba nga talaga ang college kung ikukumpara sa high school. Yung tindi ng stress halos doble, triple. Hindi ko alam kung ganito rin and nararamdaman ng mga kapwa ko freshman ngayon. Bukod sa matinding adjustment talagang  na culture shock ako lalo na at hindi ako nasanay sa lugar na iyon (Tuguegarao City) dahil  hindi ako doon namulat at lumaki. Eto ang hirap ng nagmagaling na lumayo sa mga magulang at nag-aral sa ibang lugar eh, pero siguro magiging edge do din ito pagdating ng araw kasi nasasanay na akong mag-isa at maging independent.

Sembreak na parang isang taon ang lumipas. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nairaos ko na ang first semester o malulungkot kasi hindi ko pa alam mga grades ko. Para tuloy may tinik sa loob ko na siyang nagpapabigat ng pakiramdam ko sa tuwing sumasagi sa isipan ko yun. Gusto kong pagkatiwalaan ang sarili kong kakayahan, na makakapasa ako pero hindi ko ma-asssess ang sarili ko kung talaga nga bang binigay ko yung best ko o petiks lang ako. Gusto kong maulit ulit hanggang sa unang pasok ko palang ng college para mas nagsikap pa ako. Malas nga lang at ngayon ko lang ito nare-realize.

Kailangang makapasa ako. Kung tutuusin ay nagsisimula pa lang ako pero pakiramdam ko sobrang pagod na pagod na ako. Hindi ko alam, wala akong back-up plan kung mababagsak ako. Gusto ko na kasi itong pinasok kong course dahil nage-enjoy na ako.

Nung dumating na yung araw na magpapaenroll na ako at ipapasa ko na yung form ko, sobrang kabado ako, yun bang pakiramdam na parang may sakit ka sa puso na nahihirapang huminga. Hindi ako mapakali, naninikip yung dibdib ko, magkahawak ang mga kamay ko ng mahigpit at umaasang makakapasa ako. At ayan na nga, may dumungaw sa bintana, hawak-hawak ang schedule para sa susunod na semester, nagsalita siya, sobrang tutok ako sa kanya, bumuka ang bibig niya at sinabi ang pangalan ko, para akong nanalo sa lotto sobrang saya ko, sobrang nakakagaan sa pakiramdam, ang saya-saya ko.

Ngunit kaakibat ng sayang nararamdaman ko ang panghihinayang sa mga kaibigang aalis na naman. Andun na yung reality na mababawasan talaga kam pero parang unfair, parang napakalupit naman ng tadhana, oo nga’t nagkulang sila at maaaring hindi sila ganun nagsumikap pero grabe, kasisimula pa lang nila. Survival of the fittest. Ganun ba talaga ang patakaran kahit may masasaktan, susundin pa rin yun? Pero may dahilan lahat ng mga nangyayari. Iniisip ko na lang yung positive side ng mga ito. Naaalala ko tuloy yung narinig ko na ayon sa kanila mas mabuti na daw na mabigo o hindi pumasa sa una pa lang kasi mas maaga mas madaling tanggapin, mas makakabuti dahil konti pa lang ang nasayang na panahon at pera kung ihahalintulad sa third year na tsaka pa lang bumagsak. Nasabi ko tuloy sa sarili ko na tama ba talaga itong napasok ko, parang hindi ko yata kaya. Paano kung mangyari rin sakin yun? Anong gagawin ko?

Categories: Uncategorized | Leave a comment

MEET THE GANG

You’re going to meet different person with different personalities throughout your life journey, lots of them and right now you’re going to meet the people who made my high school life really awesome and memorable. It doesn’t matter who among them has the longest or the shortest description, what matters the most is that I mean all that I said about them (even my bad comments about them) and they are all my real friends and I’m really thankful to meet them. We may not be related by blood but that’s not a problem, because what ties everyone together is love and we love each other (I mean as friends), we respect each other and we care for each other because we are one, we are Vibesgang at kahit saan man kame pumunta at makarating mananatili pa rin kaming magkakaibigan.

LEO “L.A.” ANDRAY DUGO –Napakabuti niyang tao, palagi niyang pinapatawa ang buong klase, joker kase siya although minsan waley nga lang. Matapang siyang tao at masikap hindi siya nagpatalo sa mga pagsubok sa buhay niya kaya nga siya ang Salutatorian ng batch naming eh at hindi din siya umuurong sa mga debates. He’s free to ask for my help at ganun din naman ako sa kanya. Hindi siya maarteng tao at napaka-approachable niya pero minsan mapang-asar siya at keen observer, hahaha I miss u girl!

MELANIE “Ms. Wellness” MACAPAGAL – Si ming maganda yan kahit mataba, mas lalo na noong inibahan na niya ang lifestly niya, I mean nage-exercise na siya, healthy na mga kinakain niya at lumalaklak na ng litro-litrong tubig at bago siya kumain ng ano man tinitignan niya muna kung ilang carbs, calories at fats ang nandun at saludo din ako sa kanya kase she managed to avoid temptations kahit na talamak noon ang bentahan ng Krim Stix, Chubby, Mani  at Star Cup sa canteen haha (hindi ko lang alam ngayon kung tinuloy-tuloy niya yun). Hindi siya mataray at laging nakakasakay sa mga trip namin.

MAY ANNE “Shogness” LLACUNA – Kilala niyo ba si Agnes dun sa Forevermore? dun nakuha yung tawag namin sa kanya kase naman parehas sila nag buhok ni Lisa Soberano doon (pero hindi sila magkamukha). Nagsha-share din siya sa amin tuwing nagkwekwentuhan kami ng tungkol sa lovelife niya, pati nga mga  Love Quarrels nila eh sine-share niya at kung anu-ano pa. Salamat sa pagbe-braid mo sa buhok ko minsan although minsan pinipilit lang kita.

KATE CLAIRE “UAAP girl” LAMPITOC – According to her, future Mrs. Torres daw siya (Thomas Torres) Namimiss ko ng makasession siya I mean, makachickahan siya  sarap niya kasing kausap halos parehas kase kame ng interes o kaya ng mga bagay na gusto. Gaya na lang ng pareho kaming Ultimate Fangirl, adik siya sa UAAP, swerte nga niya eh kasi marami na siyang nakitang mga players ako kaya kailan ko makikita idol ko (soon). Bukod sa masarap siyang kausap dahil napakarami niyang kwento at alam, maganda rin siyang kasama lalo kung sa “foodtrip” (I’m talking about the DSPC). Hindi ko makakalimutan yung mga memories namin together.

ZYRA MAE “zyyiee”CALIPJO – Ang cute niya lalo na pag naka-smile siya agree naman kayo siguro sa akin base sa picrure niya diba? Magaling siyang sumayaw at creative din siya , magaling siyang magdrawing at magkulay pero minsan nga lang may pagka-madamot siya at may pagka-mataray. Palagi siyang game na game sa lahat ng bagay hindi siya KJ.

KATELEEN “bonsai” JANE PAMBID – May kambal siya pero sobrang hindi sila magkamukha at magkaiba sila ng ugali, classmate namin noon yung kambal niya pero pagdating namin ng 3rd year nailipat na sa ibang section. Hindi man niya alam ayusin ang sarili niyang buhok (lagi siyang nagpapa-tali ng buhok) at makalat man mga gamit niya at palaging may nawawalang gamit niya dahil doon, ay maaasahan mo pa rin naman siya at mabuti siyang kaibigan, marunong makisama.

ROXANNE “nonsense” MANUEL –uhmm… she might be small but she’s terrible. Matalino lang naman siya, Valedictorian ng elementary at highschool, responsible at isang mabuting kaibigan. Naging close kame simula nang maging part ako ng Lunar Echo (our school’s official paper) magkasama kame palagi sa mga workshops, seminars at sa mga contests kaya naman napakarami kong memories with her.  I’ll have a confession to make, honestly sobra ko siyang hinahangaan (no joke) dahil ang galling niya, napaka self-confident niya, napaka –mature niya (hindi nga lang halata sa physical appearnce), maalam siya sa buhay at tuwing may group activities kame pinagpre-pray ko na siya ang leader ko , mahusay kase ang leadership niya. Actually she’s one of the nicest person that I’ve met in my life kaya naman I’ll never forget this girl.

KEVIN “kebot” DELA CALZADA – siya ang favorite/perfect subject namin when it comes to bullying from 1st year hanggang 4th year kame, lagi naming siyang tinutukso (were not bad hindi namin siya binubogbog or what inaasar lang). May mga pagkakataon nga na naiinis na siya, one time niloko namin siya at nagkulong siya sa CR tapos noong lumabas na siya ang rami niyang pinagsasabi na napupuno na daw siya, humanda daw kame at “Mark this day…” tapos bigla siyang nabulol habang nagmo-moment, kaya imbis na ma-guilty kame nagtawan kame pati siya tinawanan niya sarili niya. Oo minsan alam naming sumosobra na kame pero katuwaan lang naman eh. BTW he’s a good friend of mine, siya ang buddy ko dahil parehas kaming writer magkaiba nga lang kame ng medium. Ang tibay niya biruin mo araw-araw pasan-pasan niya yung bag niyang napakabigat tapos may hawak pang bag ulit yung magkabila niyang kamay, napakarami niyang dalang gamit. Paano naman kasi lahat ng libro niya, libro ng mga ate niya ay dinadala niya dagdag mo pa yung mga scrap papers niya na kung tutuusin pwede ng itapon dahil hindi na kailangan ay iniipon pa niya, hindi sa pagiging sentimental pero ang totoo niyan tamad lang yang mag-ayos ng gamit niya.

LESLIE “bench body” RINION – perfectionist tung lalaking toh, mahilig mangontra pero matalino yan. Hindi ko nga alam eh, wala namang laman notebooks niyan at  hindi siya nagte-take down ng mga notes habang kasalukuyan yung lecture, siya nakikinig lang paeasy-easy, enter lang ng enter sa utak niya habang kame hinahabol naming sinusulat yung pinagsasasabi ng teacher namin. Hindi ko siya nakikitang nagrereview pero marami pa ring siyang nakukuha, how unfair!  may explanation siya diyan, kasi daw nagme-memorize kame at siya rinereview lang daw niya (whatever). BTW parehas kaming tamad pero mas tamad siya.

JEMAIMA “KROmaimah”DOMINGO – isa siyang guitar genius kasi naman ang dami niyang alam tugtugin, at akalain mo siya unang nakatugtog sa guitar KO! Pero hindi masama loob ko  tinuturuan naman niya ako kung paano eh. Masaya siyang kasama at kung magkasama kame kwentuhan lang kame ng kwentuhan walang dead air, parehas kame ng trip kaya naman magkasundo kameng dalawa.

KARINA IRENE “self-proclaimed Hermione” VALERIANO – Potter header siya, mahilig siya sa mga sci-fi movies lalo na kung may mga wizard ganon na character o kaya may magic at ayon sa kanya parang siya daw si Hermione well, may pagkakatulad din naman sila, kasi parehas silang intelligent and pretty. Minsan man ay may mga nasasabi  siyang hindi dapat yung bang hindi niya intensiyong makasakit, ay willing naman siyang lapitan ka at mag-sorry sayo, mabait siyang tao.

AUBREY NICOLE “Destiny believer” SORIANO – kung hindi ako nagkakamali pangarap niyang maging presidente ng Pilipinas, kaya naman to hone her leadership and to prepare herself to such role tumakbo siya bilang president ng SSG (Supreme Student’s Government) ng aming school, nanalo siya at kinareer niya yung  mga responsibilidad niya. Naniniwala siya on that thing so called “tadhana” ayon sa kanya kung talagang para kayo sa isa’t isa kayo talaga kahit anong mangyari (lalim ng hugot). Napaka-emotional ng babaeng toh at matakaw, makulit, pero super friendly niya, at makikita mong napakataas ng self-esteem niya, gaya na lang pag naglalakad siya para siyang nagba-bounce, chin up at pasway-sway pa yung kamay niya alternate hahaha… pero hindi naman yung walang hiya na siya minsan alam niya rin yung mga limitations niya. Marami siyang alam, magaling siyang mag-advice mapa sa love life man yan at talagang maaasahan mo siya.

VALERIE JOY “chubylita” JOSE – Ganda niya diba? para siyang Korean pero purong pinay siya. Hindi siya mahirap pakisamahan kahit noong 3rd year lang namin siya naging ka-klase at hindi ka mag-aalangan na kasama siya dahil baka suplada siya pero hindi siya ganon. Hindi siya yung tipong maarte kahit na pagdating sa mga pagkain. By the way, siya ang babaeng minamahal ng todo ni Joshua.

KISHA ALLAINE “Ms. Hugot” JOSE – most of the time siya ang source namin  sa polbo, alcohol, tissue, sanitizer at maging  papel. Maalam yan sa love, sa totoo nga niyan pag pinaguusapan ang love napakarami niyang sinasabi at parang galing sa mga true to life experiences niya, grabe sobrang lalim ng mga hugot niyan (hindi maarok). At ginawa niyang manga ang dictionary, marami siyang alam na mga English vocabs at magaling siya sa English. And if  break this girl’s heart before the examination day kasi siguradong puro siya ang makakakuha ng highest score sa exam, promise nangayari yan noon.

JEMIMAH “upgraded bonsai”UBALDO –Napakasaya niyang seatmate, parehas kami ng trip, humihingi ako ng advice sa kanya sa mga desisyon ko minsan at ganun din siya pag may problema siya palagi siyang nakikinig sa mga jokes ko,waley man o havey, sa mga issues ko at sa mga problema ko. Nagpapaturo rin ako sa kanya sa mga lessons na hindi ko maintindihan. Namimiss ko na yung mga lokohan namin, yung mga kwentuhan namin at siyempre pati siya.

RACHEL “History lover” CRISTOBAL- Nakakamiss din tawa nito, yun bang kahit seryoso ang lahat, kahit busy o kaya kahit wala naman talagang dapat tawanan eh tumatawa siya tapos hindi siya tumitigil hanggang sa napapasama ka na lang sa pagtawa. Salita siya ng salita at panay ang banat niya ng mga jokes hindi siya nauubusan ng sasabihin, masarap siyang kasama pero minsan nga lang may pagka-KJ siya. Magaling siya sa history, madali rin siyang nakakamemorise ng mga notes o lessons (bagay sa kanya mga enumeration type of test na ayaw na ayaw ko)

HONEYLETH ”the painfully honest friend” GUILLERMO – isa siya sa mga naging close ko noong highschool, naging kasangga ko sa lahat ng bagay, consistent buddy ko tuwing may fieldtrip, kasabwat sa mga kalokohan, taga sermon ko minsan, intruder sa cellphone ko at sa bahay namin (haha joke lang ganun din ako sa kanya) at mabuti siyang  kaibigan. Siya yung tipo ng taong sasabihin kung ano ang gusto, pranka pero ang lakas ng trip niyan, mahilig bumanat ng mga jokes o kaya knock-knock na minsan waley pero kadalasan havey naman,masayahin siyang tao at maaasahan siya, kung may hindi ako alam o maintindihan sa mga lessons namin nagpapaturo ako sa kanya pero may pagkalate reaction nga lang siya minsan . Mabilis siyang maiyak pero hindi siya yung iyakin. Natututo ako sa kanya,may paninindigan siya, marami na kaming pinagsamahan nito, yung mga tawanan namin, asaran, katuwaan at barahan namin, hay!  those good old days. It was such a relief nung malaman kong parehas pala kame ng university na papasukan.

KIMBERLY GEM “Ms. Bitter” CORTEZ – lakas nitong makahugot kala mo kung may pinadadaanan pero magaling siyang sumayaw, yun bang kala mo kung walang nanunuod sa kanya, todo hataw with facial expressions pa, payat na nga niya hahaha. Napakagaling niyang ayusin yung sarili niya, akalain mo everyday different types of braid o kaya ayos yung mahaba niyang buhok (unlike me). Nakaka-miss yung pagkanta-kanta niya, yun bang pinipilit niyang abutin yung high notes ng kanta, yung pagli-lip sync niya at pagpapatawa. Napakaresourceful niyang tao, masipag at maaasahan sa kahit ano mang bagay.

HANNAH LEI “pumapag-ibig” EDER – until now naghihintay pa rin ako ng update tungkol sa estado ng pag-ibig niya nasanay na kasi ako na nagkukwento siya sa akin tungkol sa mga kilig moments niya at nago-open siya sakin sa mga crushes niya. Iba siya kung mainlove at kiligin,  yung mahahalata mo talaga, iba yung mga ngiti niya at… basta iba well she deserved to be loved kasi kamahal-mahal siyang tao, isa kasi siyang mabuti, mapapagkatiwalaan at maaasahang kaibigan, napaka-caring na ate at napaka- maalaga niya at sige mapagmahal na rin. Biniyayaan siya ng magandang boses at hinahangaan ko sa kanya yung pagiging responsible niya. I hope she’ll find na her “the right one ”  to break that frozen heart (daw) of hers.

JOSHUA BERNICE “Wesley So” TAN – kaya Wesley So kasi parang kamukha niya pareho kasi silang liit mata. Tamihik siya  pero minsan nagigipag-kwentuhan rin naman siya pero hindi siya yung napakaraming sinasabi at hindi siya masyado nagkukwento tungkol sa kanya, magugulat ka na lang pag nalaman mo. Matatag siyang tao dahil nagagawa pa rin niyang ngumiti o magpatuloy sa buhay kahit anong mangyari. Madalas naming siyang niloloko dahil sa singkit niyang mata at dahil dun sa awkward niyang pagi-ilocano.

DEVANEY ANNE “the mysterious type gal” AGLIBUT – Simula first year hanggang third year lagi kaming magkatabi sa seating arrangement kung alphabetically arranged pati nga sa NAT at NCAE eh at hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng highschool, graduation program ay  katabi ko siya. Mabait siyang tao may pagkasungit nga lang at pagkawaley hahaha pero lagi ka niyang pagbibigyan tuwing nagpapalibre ka sa kanya. May one thing in common kami, minsan may pagkaloner at yun bang gustong mapag-isa well, what do you expect eh parehas kaming one and only child kaya sanay na kaming mag-isa lang.

CHRISTIANA JADE “pretty”LABOG – Lahat naman siguro maga-agree sa akin na pretty siya diba? Pero hindi lang physical appearance ang maganda sa kanya pati na rin yung kalooban niya. Hindi siya suplada, napaka-approachable niyang tao, hindi mahirap pakisamahan at hindi siya pumipili ng kaibigan at mabait din siya. May maganda siyang boses kaya lang minsan nahihiya siyang iparinig (so humble) at pag kinikilig yan at niloloko naming, nagiging kamatis mukha niya, sobra kung makapag-blush maputi kasi niya , pero wag niyo lang siyang iba-bad trip kung bad mood siya dahil iba siya kung magalit pero madali lang namang humupa yung galit niya.

VIVIEN “Happee” GALAM – Napakamasayahing tao niya hindi mahirap pakisamahan namimiss ko na yung pagbati ko sa kanya paminsan-minsan ng “Good Morning!” at pati na rin yung sweet smile niya. Magaling siya sa math at sa pagcompose ng mga tula. May pagka- emotera siya. Siya yung tipo ng kaibigang sweet at caring yun bang pag may sasalihan kaming contest lagi siyang magte-text ng mga goodluck messages at ingat daw kami tapos pag pinalad na manalo hindi siya nakakalimot na i-congratulate ka at hindi siya selfish at lagi ka niyang maaalala.

JAMES “the guy friend type” CASAURAN – Ayon kay Kate Claire, “womanizer” daw siya kasi naman marami ang babaeng nali-link sa kanya at paiba-iba ang gusto niya o crush niya pero ok siyang kasama kasi nagpapatawa siya at salita ng salita kahit mga babae kakwentuhan niya. Wala man siguro sa itsura niya at ugali niyang may pagkamatigas ang ulo at tamad, pero matalino siya, he graduated as Valedictorian when he was in elementary oh diba. Pero sana naman hindi niya sasaktan yung isa sa mga matalik kong kaibigan diyan at huwag niyang paasahin kung hindi naman niya tutuparan yung promise niya sa kanya.

GLAIZA “the always updated gal” GUILLERMO – siya yung hindi nahuhuli sa balita (may pagkatsismosa kasi) at laging updated sa mga pangyayari sa school and outside the school. Honestly minsan naiinis na ako sa pagiging maingay niya hindi kasi tumitigil sa kasasalita pero magaling siya kinakaila lang kasi niya at isa siyang dakilang lover girl dami niyang alam sa love (at madami na  ring experiences). Pero masarap siyang kasama at kakwentuhan hindi ka mabobored.

ZENY RHEA “the game-for-anything pal” RAMEL – hindi ko siya naging kaklase noong 1st year pero hindi yun naging problema noong naidagdag na siya sa section namin noong 2nd year kame kasi naging close din kame at naging isa siya sa matalik kong kaibigan. Matangkad siya at maganda pwedeng pansali sa mga beauty pageants, pero hanggat maaari  ayaw niyang sumali sa mga ganung bagay. Namimiss ko na yung palagi niyang pangungulit na ilibre daw namin siya at yung mga asaran naming, pero wag niyo lang siyang  masyadong lolokohin kasi baka maasar yun sayo at hindi ka pansinin.

SUNSHINE “the quite type gal” NAVALTA – sa almost two years naming magka-klase masasabi kong naging mabuti siyang kaibigan sa akin although hindi kami yung ganun ka-close pero hindi naman siya mahirap pakisamahan eh. Shy type siya (gaya ko). Wala man akong masyadong alam sa kanya pero one thing is for sure she can succeed kasi masipag siya at determinado at relihiyosa din siya.

MURIEL ANNE “Mommy” CABACUNGAN – Para siyang nanay sa amin, sa buong klase, hindi man  siya ang pinakamatanda sa aming magkaka-klase pero dahil sa ugali niyang maasikaso sa aming lahat  tuwing may program man, kung may practice man o kung may pupuntahan lang na magbabarkada. Magaling siya, ahlethic, she dances gracefully at beauty queen siya, total package edi siya na pero may pagkawaley siya hahahah.

MARIA ANDREA “Neng” CABACUNGAN – Kung marami ang humihiling na pumayat o takot ibahin mo siya, siya guso niyang tumaba kaya naman simula noong 3rd year kami nagsimula na siyang kumain ng kumain. Kapag nga nagthro-throwback kami ng mga old pictures namin way back then, sobra kaming hindi makapaniwala na lomobo siya ng ganun kasi payat  talaga siya noon. Ayon sa kanya gustong-gusto niya daw katawan niya ngayon (walang bahid ng pagsisisi o panghihinayang). Napaka-jolly niyang tao, napakamasiyahin at isa siya sa mga nagpapatawa sa amin, joker siya at napaka-happy niyang kasama.

JUDY ANN “the wacky friend” ORTIZ – Siya yung tipo ng taong napakagaang kasama at lagi niya rin kaming pinapatawa. Maaasahan mo siyang tao at masipag. Hindi  ko makakalimutan kung gaano niya kahusay pinortray yung isang character noong gumawa kame ng simpleng advertisement na project namin, grabe sobrang kuhang-kuha niya at bagay sa kanya yung role, may pagkacomedian kasi siya.

JOHN ESTEFANO “Pannong” ABELLERA – Yung nickname niya na yan ay pinasimulan ng aming values teacher noong 1st year pa lang at nakasanayan na naming lahat na yan ang tawag namin sa kanya. Napakatigas ng ulo niyan, minsan pag inuutusan mong maglinis ayaw niya pero pag sinisipag siya (himala) ay maglilinis yan konti. Matigas din ang ulo niya well, I guess hindi mo yun maaalis sa kanya dahil nga lalaki siya  at napakahilig niyang mang-asar pero kung siya ang napikon mahirap siyang suyuin  pero mabait din naman siya.

Categories: Uncategorized | Leave a comment

LEFT UNFULFILLED

IMG_8699

Why am I experiencing such an extreme frustration? Why am I always so messed up? Lagi ko na lang itong tinatanong sa sarili ko at kung ilang beses na akong nabigo, ganun din karaming beses ko yang nasambit. Bakit? Bakit yung pinapangarap ko ay left unfulfilled?

The most painful part of failing, is that you have no one to blame kundi ang sarili mo lang. Just like me, my shyness is the cause why you can always see me on the bleachers, yung pagkamahiyain ko ang dahilan kung bakit hanggang audience lang akong tagapalakpak at taga-cheer, kung bakit palagi kong sinasabing “sana ako na lang siya” at “sana andun din ako,” at kung bakit naiiwan akong talunan. Napakaraming sana, pero kundi dahil sa mga pangyayaring ganoon sa buhay ko edi sana hindi ko nakumbinsi ang sarili kong magsikap at magbago.

Sinabi ko noon sa sarili ko na, I will never lose an opportunity again just because of my shyness. Hindi naman sa super confident ko na ngayon o wala na akong hiya, pero tina-try kong i-overcome o i-control yung pagkamahiyain ko para sa bandang huli hindi na ako magsisi pa ulit.

Masakit sa pakiramdam ang mabigo at madisappoint lalo na kung talagang gusto mo yung makuha o makamit, but I guess that’s life, I think life would be boring if you will not experience defeat and failure because there will be no thrill on improving yourself and trying to be a better person. Oo masakit, sobrang sakit ng mabigo, minsan pa nga wala kang magawa kundi iiyak na lang yung sakit, pero ok lang umiyak, there’s no shame in crying, nakakagaan pa nga ito ng loob eh. Let out your sadness and anger, wag kang mag-alala because that pain is just temporary. Ang kailangan mo lang ay acceptance, tanggapin mong talo ka because that’s the best thing to do. Well, everyone fails and no one is exempted but instead of being sad, just enjoy life even if you fail and continue your journey to the future because your chance to be in the limelight is waiting. Don’t worry because even the great and famous men in the world have gone into these too. Check this out.

May mga bagay talaga sa mundo na kahit anong gawin mo hindi mo makukuha, hindi lahat ng gusto mo natutupad gaya na lang ng sinabi sabi ni Augustus sa The fault in our stars na, “The world is not a wish granting factory” which is the truth. Maraming dahilan kung bakit ito nangyayari, kung bakit hindi lahat ng inaasam mo makakamit mo dahil maaaring oo deserving ka nga pero baka may mas deserving pang iba kaysa sa iyo, maaaring oo ginawa mo nga ang lahat pero hindi pa sapat, pero hindi ito nangangahulugan na susuko ka na agad o kaya hindi mo na gagalingan because it is better to fail than to quit. Tandaan mo lahat ng bagay ay nangyayari ng may rason, walang nakakaalam pero may nilaan si God na para lang sayo.  Yung mga disappoinments mo at mga failures mo were meant to strengthen you not to bring you down. Crave for success and don’t leave your dreams unfulfilled.

Categories: Uncategorized | Leave a comment

HUGOT WATTPAD

Minsan sa buhay natin bigla biglaan na lang magdidilim ang lahat at babagsak ang mundo natin, andyan yung babahain tayo ng luha, makakaramdam tayo ng sobra sobrang lungkot at pagsisisi habang pinagmamasdan nating lumayo ng lumayo ang mga taong importante satin. Pero minsan din naman ay parang brownout lang yan, pag nagdilim ang mundo mo, wag kang magpapanic, wag kang matatakot dahil di rin naman magtatagal ay magkakailaw din at babalik ang liwanag sa mund mo. Pero kung matatagalan ang brownout na ito sa buhay mo, wag kang magalala dahil ang kelangan mo lang gawin ay mangapa sa mga sulok sulok o tabi tabi ng mga magsisilbing flashlight at ilaw para magbigay ng kahit konting liwanag, munti man ay sapat na para maging pagasa mo habang iniintay na muling magliwanang ng tuluyan ang mundo mo.

– I met a jerk whose name is Seven by HaveYouSeenThisGirl

I was really captivated by this story’s epilogue and I would like to share it to you guys. I do hope that after you read this, you’ll be enlightened and if ever you’re feeling down and things are going rough, this can cheer you up. By the way yung tinutukoy na liwanag o ilaw can be your friends or your family.

Categories: Uncategorized | Leave a comment

DEDICATION

I don’t know much about Paul Walker but I really love this song, it’s so meaningful, the message is positive and I can relate to it. This song is obviously dedicated to Paul but I dedicate this song to my dear friends. At first, we’re strangers but as time passed by, we created a friendship bond and that bond became bigger that it really saddens me that I can no longer see them anytime and be able to comfort them when they’re down because they’re far from me now but, if our way will cross again,  I’ll surely have many stories to share to them so I’m really looking forward to seeing them again.

Categories: Uncategorized | Leave a comment

Poem

books_w1024

BOOK

(Adapted)

To some people,

they’re just bits of paper

glued to a fragile spine

 

But to me they are friends

welcoming me at anytime

opening up their hearts

to show me their secrets

 

I laugh with them

I cry with them

 

They’ve let me into

the lives of so many

people with fantastic lives

people who have grand adventures

and for a few hours,

I forget

That I’m just me  

Categories: Uncategorized | 3 Comments

Poem

LITTLE TURTLE

Little turtle leaved the shore,

 swam deep underwater to explore

Little turtle abandoned land

and was hoping to be loved

Little turtle was bounded by fear

because she doesn’t have any peer

Little turtle was so scared

thinking if someone will care

Little turtle thinks she wouldn’t fit

Even though she’s not a freak but,

Little turtle doesn’t stop believing

because she has many  dreams that is worth fulfilling

Categories: Uncategorized | 3 Comments

Haiku

NATURE

So peaceful and free

Made by the God Almighty

Oh! Please conserve me

Categories: Uncategorized | 2 Comments

Create a free website or blog at WordPress.com.

karen ^_^ <3

the official website of... Karen Jane A. Pambid

loveloveko

llacuna

zenyrhearamel28

Never Stop Dreaming

Zeny Ramel

The official website of Zeny Rhea

christiana

Stone-Hearted

swizzmiss

meet baby zy:)

Andray

leoandrayofficial

MELANIEming!

All About ME from A to Z!

Time, Self Respect & Love

forever vivien30galam...

keeshiejose

"The Official Website of KishaJose"

madam_baby

I am a student that want to have a bright future

Love Life

LIVE.LOVE.LAUGH:) Officially made by HLE

JemaimaDomingo

friends are forever..

Dramatic Bitch

Bitch's online diary

NONSENSE

Leslie Gonzales Rinion :D

Keeshie Allaine Jose

The Official Website of KeeshieJose

Love Life <3

Officially made by Hannah Lei Eder. :)

Karina Irene

blog buzzer; babygirl Version 1.0

KimmyBEEEEEEEEEEE

BabyLabbssss: Everytime I dance I turn into a Better Version of ME.

Hi ming-ming!

All About Me From A to Z!

AndreaCabacungan

PROUD NBSB HERE!

Kateleen Jane

"Sharing My Imagination"